Patakaran ng Data
Binibigyan ka namin ng kapangyarihang magbahagi bilang bahagi ng aming layunin na gawing mas bukas at konektado ang mundo. Inilalarawan ng patakaran na ito kung anong impormasyon ang kinokolekta namin at kung paano ito ginagamit at ibinabahagi. Makakahanap ka ng mga karagdagang gamit at impormasyon sa Mga Mahalaga sa Pagkapribado.Habang binabasa mo ang aming patakaran, tandaan na naaangkop ito sa lahat ng brand, produkto at serbisyo ng Facebook na walang hiwalay na patakaran sa pagkapribado o na nag-uugnay sa patakaran na ito, na tinatawag naming “Mga Serbisyo ng Facebook” o “Mga Serbisyo.”

Anu-anong mga uri ng impormasyon ang kinokolekta namin?
Depende kung aling Mga Serbisyo ang ginagamit mo, kinokolekta namin ang iba't-ibang mga uri ng impormasyon mula o tungkol sa iyo.Mga bagay na ginagawa mo at ang impormasyon na ibinibigay mo.
Kinokolekta namin ang nilalaman at ibang impormasyon na ibinibigay mo kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo, kasama ang kapag nagsa-sign up ka para sa isang account, gumagawa o nagbabahagi, at magmemensahe o nakikipag-ugnayan sa iba. Maaaring kasama rito ang impormasyon sa o tungkol sa nilalaman na ibinibigay mo, tulad ng lokasyon ng isang litrato o ang petsa nang ginawa ang isang file. Kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo, tulad ng mga uri ng nilalaman na tinitingnan o sinasalihan mo o ang dalas at tagal ng iyong mga aktibidad. Mga bagay na ginagawa ng iba at ang impormasyon na ibinibigay nila.
Kinokolekta rin namin ang nilalaman at impormasyon na ibinibigay ng ibang tao kapag ginagamit nila ang aming Mga Serbisyo, kasama ang impormasyong tungkol sa iyo, tulad ng kapag nagbabahagi sila ng litrato mo, nagpapadala ng mensahe sa iyo, o nag-a-upload, nagsi-sync o nag-iimport ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Ang iyong mga network at koneksyon.
Kinokolekta namin ang impormasyong tungkol sa mga tao at grupo na konektado ka at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga ito, tulad ng mga taong pinakamadalas mong kinakausap o ang mga grupo na gusto mong bahagian. Kinokolekta rin namin ang impormasyon na ibinibigay mo kung ina-upload, sini-sync o ini-import mo ang impormasyong ito (tulad ng isang address book) mula sa isang device. Impormasyon tungkol sa mga pagbabayad.
Kung ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo para sa mga pagbili o mga pinansyal na transaksiyon (tulad ng kapag may binibili ka sa Facebook, bumibili sa isang laro, o nagbibigay ng donasyon), kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa pagbili o transaksiyon. Kasama rito ang iyong impormasyon sa pagbabayad, tulad ng numero ng iyong credit o debit card at ibang impormasyon ng card, at ibang impormasyon ng account at impormasyon sa pagpapatunay, pati rin ang mga detalye sa pagsingil, pagpapadala at pakikipag-ugnayan. Impormasyon ng device.
Kinokolekta namin ang impormasyon mula o tungkol sa mga computer, telepono, o ibang mga device kung saan mo ini-install o ina-access ang aming Mga Serbisyo, depende sa mga ibinibigay mong pahintulot. Maaari naming iugnay ang impormasyong kinokolekta namin mula sa iba't-ibang mga device mo, na tumutulong sa aming magbigay ng naalinsunod na Mga Serbisyo sa lahat ng iyong device. Narito ang ilang halimbawa ng impormasyon ng device na kinokolekta namin: - Mga katangian tulad ng operating system, bersyon ng hardware, mga setting ng device, mga pangalan at uri ng file at software, lakas ng baterya at signal, at mga kumikilala sa device.
- Mga lokasyon ng device, kasama ang mga partikular na heograpikong lokasyon, tulad ng sa pamamagitan ng GPS, Bluetooth, o mga signal ng WiFi.
- Impormasyon ng koneksyon tulad ng pangalan ng operator ng iyong cellphone o ISP, uri ng browser, wika at time zone, numero ng cellphone at IP address.
Impormasyon mula sa mga website at app na gumagamit ng aming Mga Serbisyo.
Kinokolekta namin ang impormasyon kapag binibisita o ginagamit mo ang mga website at app ng ikatlong partido na gumagamit ng aming Mga Serbisyo (tulad ng kapag inaalok nila ang aming Like na button o Pag-log In sa Facebook o ginagamit ang aming mga serbisyo sa pagsukat at pag-a-advertise). Kasama rito ang impormasyon tungkol sa mga website at app na binibisita mo, ang iyong paggamit sa aming Mga Serbisyo sa mga website at app na iyon, gayundin ang impormasyon na ibinibigay ng developer o publisher ng app o website sa iyo o sa amin. Impormasyon mula sa mga ikatlong partidong kasosyo.
Nakakatanggap kami ng impormasyong tungkol sa iyo at sa iyong mga aktibidad sa at sa labas ng Facebook mula sa mga ikatlong partidong kasosyo, tulad ng impormasyon mula sa isang kasosyo kapag magkasama naming inaalok ang mga serbisyo o mula sa isang advertiser tungkol sa iyong mga karanasan o pakikipag-ugnayan sa mga ito. Mga kumpanya ng Facebook.
Nakakatanggap kami ng impormasyong tungkol sa iyo mula sa mga kumpanya na pagmamay-ari ng Facebook, alinsunod sa kanilang mga tuntunin at patakaran. Alamin pa ang tungkol sa mga kumpanyang ito at ang kanilang mga patakaran sa pagkapribado. Paano namin ginagamit ang impormasyon?
Masigasig kami sa paggawa ng nakakahikayat at naka-customize na mga karanasan para sa mga tao. Ginagamit namin ang lahat ng impormasyon na mayroon kami upang tulungan kaming ibigay at suportahan ang aming Mga Serbisyo. Narito kung paano:Ibigay, pahusayin at pagandahin ang Mga Serbisyo.
Nagagawa naming ihatid ang aming Mga Serbisyo, gawing pansarili ang nilalaman, at gumawa ng mga mungkahi para sa iyo sa pamamagitan ng paggamit sa impormasyong ito upang maintindihan kung paano mo ginagamit at nakikipag-ugnayan sa aming Mga Serbisyo at sa mga tao o mga bagay na konektado at interesado ka sa loob at labas ng aming Mga Serbisyo. Ginagamit rin namin ang impormasyon na mayroon kami upang magbigay ng mga shortcut at mungkahi sa iyo. Halimbawa, nagagawa naming imungkahi na i-tag ka ng iyong kaibigan sa isang litrato sa pamamagitan ng paghahambing ng mga litrato ng iyong kaibigan sa mga impormasyong pinagsama-sama namin mula sa iyong mga litrato sa profile at sa ibang mga litrato na naka-tag ka. Kung naka-enable ang tampok na ito para sa iyo, makokontrol mo kung imumungkahi naming i-tag ka ng ibang user sa isang litrato gamit ang mga setting ng “Timeline at Pag-tag”.
Kapag mayroon kaming impormasyon ng lokasyon, ginagamit namin ito upang ibigay ang aming Mga Serbisyo sa iyo at sa iba, tulad ng pagtulong sa iyo sa pag-check in at paghahanap ng mga lokal na event o mga alok sa iyong lugar o sabihin sa iyong mga kaibigan na ikaw ay malapit.
Gumagawa kami ng mga survey at pananaliksik, sinusubukan ang mga tampok na binubuo, at sinusuri ang impormasyon na mayroon kami upang masuri at mapahusay ang mga produkto at serbisyo, bumuo ng mga bagong produkto o tampok, at magsagawa ng mga pag-audit at mga aktibidad tungkol sa pag-troubleshoot.
Nakikipag-ugnayan sa iyo.
Ginagamit namin ang iyong impormasyon upang magpadala ng mga pakikipag-ugnayan hinggil sa marketing, makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa aming Mga Serbisyo at ipaalam sa iyo ang tungkol sa aming mga patakaran at tuntunin. Ginagamit rin namin ang iyong impormasyon upang tumugon sa iyo kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin. Magpakita at sukatin ang mga ad at mga serbisyo.
Ginagamit namin ang impormasyon na mayroon kami upang pahusayin ang aming mga sistema sa pag-a-advertise at pagsukat at nang sa gayon maaari kaming magpakita sa iyo ng mga may kaugnayang ad sa loob o labas ng aming Mga Serbisyo at sukatin ang bisa at naaabot ng aming mga ad at mga serbisyo. Alamin pa ang tungkol sa aming Mga Serbisyo at kung paano mo makokontrol kung paano ginagamit ang impormasyong tungkol sa iyo para i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad.
Ginagamit namin ang impormasyon na mayroon kami upang tumulong sa pagpapatunay ng mga account at aktibidad, at upang itaguyod ang kaligtasan at seguridad sa at sa labas ng aming Mga Serbisyo, tulad ng pag-iimbestiga sa kahina-hinalang aktibidad o mga paglabag sa aming mga tuntunin o mga patakaran. Nagsusumikap kami mabuti upang protektahan ang iyong account gamit ang aming koponan ng mga inhinyero, mga awtomatikong sistema, at makabagong teknolohiya tulad ng pag-encrypt at machine learning. Naghahandog rin kami ng mga gamit para sa seguridad na madaling gamitin at na nagdadagdag ng karagdagang patong ng seguridad sa iyong account. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtataguyod ng kaligtasan sa Facebook, puntahan ang Help Center ng Facebook Security. Paano ibinabahagi ang impormasyong ito?
Pagbabahagi Sa Aming Mga Serbisyo
Ginagamit ng mga tao ang aming Mga Serbisyo upang kumonekta at magbahagi sa iba. Ginagawa namin itong posible sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong impormasyon sa mga sumusunod na paraan: Mga taong binabahagian at kinakausap mo.
Kapag nagbabahagi at nakikipag-ugnayan ka gamit ang aming Mga Serbisyo, pinipili mo ang audience sa ibinabahagi mo. Halimbawa, kapag nagpo-post ka sa Facebook, pinipili mo ang audience para sa post, tulad ng isang naka-customize na grupo ng mga indibiduwal, lahat ng iyong Kaibigan, o mga miyembro ng isang Grupo. Gayundin, kapag ginagamit mo ang Messenger, maaari mo rin piliin ang mga taong papadalhan mo ng mga litrato omessage. Ang pampublikong impormasyon ay anumang impormasyon na ibinabahagi mo sa pampublikong audience, pati rin ang impormasyon sa iyong Pampublikong Profile, o nilalaman na ibabahagi mo sa isang Facebook Page o isa pang pampublikong forum. Ang pampublikong impormasyon ay available sa sinumang nasa o wala sa aming Mga Serbisyo at maaari itong makita o ma-access sa pamamagitan ng mga online na search engine, mga API, at mga offline na media, tulad ng sa TV.
Sa ilang mga pangyayari, ang mga taong binabahagian at kinakausap mo ay maaaring i-download o ibahagi muli ang nilalaman na ito sa iba sa at sa labas ng aming mga Serbisyo. Kapag nag-comment ka sa post ng isa pang tao o ni-like ang kanilang nilalaman sa Facebook, magdedesisyon ang taong iyon sa magiging audience ng iyong comment o like. Kung ang kanilang audience ay pampubliko, magiging pampubliko rin ang iyong comment.
Mga taong nakakakita ng nilalamang tungkol sa iyo na ibinabahagi ng iba.
Maaaring gamitin ng ibang tao ang aming Mga Serbisyo upang magbahagi ng nilalamang tungkol sa iyo sa pipiliin nilang audience. Halimbawa, maaaring ibahagi ng mga tao ang isang litrato mo, banggitin o i-tag ka sa isang lokasyon sa post, o ibahagi ang impormasyong tungkol sa iyo na ibinahagi mo sa kanila. Kung mayroon kang mga alalahanin sa post ng isang tao, ang social reporting ay isang paraan para mabilis at madaling makahingi ng tulong ang mga tao sa isang taong pinagkakatiwalaan nila. Alamin Pa. Mga app, website at mga ikatlong patidong pagsasama sa o paggamit sa aming Mga Serbisyo.
Kapag gumagamit ka ng mga app, website ng ikatlong partido o ibang mga serbisyo na gumagamit, o na isinasama sa aming Mga Serbisyo, maaari silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa ipino-post o ibinabahagi mo. Halimbawa, kapag naglalaro ka kasama ng mga kaibigan mo sa Facebook o kapag ginagamit mo ang button Mag-comment o Mag-share sa Facebook sa isang website, maaaring makakuha ng impormasyon ang developer o website ng laro tungkol sa iyong mga aktibidad sa laro o makatanggap ng isang comment o link na ibabahagi mo sa Facebook mula sa kanilang website. Dagdag pa rito, kapag dina-download o ginagamit mo ang mga nasabing serbisyo ng ikatlong partido, maaari nilang ma-access ang iyong Pampublikong Profile, na may kasamang username o user ID mo, ang hanay ng iyong edad at bansa o wika, listahan ng iyong mga kaibigan, pati rin ang anumang impormasyon na ibinabahagi mo sa kanila. Ang mga impormasyong kinokolekta ng mga app na ito, website o ng mga isinamang serbisyo ay sasailalim sa mga sarili nilang tuntunin at patakaran. Alamin pa ang tungkol sa kung paano mo makokontrol ang impormasyong tungkol sa iyo na ibinabahagi mo o ng iba sa mga app at website na ito.
Pagbabahagi sa mga kumpanya ng Facebook.
Nagbabahagi kami ng impormasyong tungkol sa iyo sa loob ng pamilya ng mga kumpanya na bahagi ng Facebook. Alamin pa ang tungkol sa aming mga kumpanya. Bagong may-ari.
Kung magbabago ang nagmamay-ari o kumokontrol ng lahat o bahagi ng aming Mga Serbisyo o ang kanilang mga asset, maaari naming ilipat ang iyong impormasyon sa bagong may-ari. Pagbabahagi Sa Mga Ikatlong Partidong Kasosyo at Customer
Nakikipagtulungan kami sa mga ikatlong partidong kumpanya na tumutulong sa aming ibigay at pahusayin ang aming Mga Serbisyo o na gumagamit ng pag-a-advertise o mga kaugnay na produkto, na siyang ginagawang posible upang mapatakbo ang aming mga kumpanya at magbigay ng mga libreng serbisyo sa mga tao sa buong mundo. Narito ang ilang mga uri ng mga ikatlong partidio kung kanino namin ibinabahagi ang impormasyong tungkol sa iyo:
Mga Serbisyo sa Pag-a-advertise, Pagsukat at Analitika (Impormasyon Lang na Hindi Personal na Kumikilala).
Gusto naming maging may kaugnayan at nakakawili ang aming pag-a-advertise katulad ng ibang impormasyong nakikita mo sa aming Mga Serbisyo. Iniisip ito, ginagamit namin ang lahat ng impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo upang magpakita sa iyo ng mga may kaugnayang ad. Hindi kami nagbabahagi ng impormasyon na personal na kumikilala sa iyo (ang impormasyon na personal na kumikilala ay impormasyon tulad ng pangalan o email address na maaari mismong gamitin para makipag-ugnayan sa iyo o kilalanin kung sino ka) sa mga kasosyo sa pag-a-advertise, pagsukat o analitika maliban kung bibigyan mo kami ng pahintulot. Maaari kaming magbigay sa mga kasosyong ito ng impormasyon tungkol sa naabot at bisa ng kanilang pag-a-advertise nang hindi nagbibigay ng impormasyon na personal na kumikilala sa iyo, o kung pinagsama-sama namin ang mga impormasyon para hindi ka nito personal na kilalanin. Halimbawa, maaari namin sabihin sa isang advertiser ang tungkol sa pagganap ng mga ad, o kung gaano karaming tao ang tumingin sa kanilang mga ad o nag-install ng app pagkatapos makita ang isang ad, o magbigay ng demograpikong impormasyon na hindi personal na kumikilala (tulad ng 25 taong gulang babae, sa Madrid, na gusto ang software engineering) sa mga kasosyong ito upang tulungan silang maintindihan ang kanilang audience o mga customer, ngunit pagkatapos lang sumang-ayon ng advertiser na sumunod sa aming mga alituntunin ng advertiser. Pakibasa ang aming mga kagustuhan sa pag-a-advertise para maintindihan kung bakit mo nakikita ang partikular na ad sa Facebook. Maaari mong ayusin ang iyong mga kagustuhan sa ad kung gusto mong kontrolin at pamahalaan ang iyong karanasan sa ad sa Facebook.
Mga vendor, tagabigay ng serbisyo at ibang mga kasosyo.
Naglilipat kami ng impormasyon sa mga vendor, tagabigay ng serbisyo, at ibang mga kasosyo na sumusuporta sa aming negosyo sa buong mundo, tulad ng pagbibigay ng mga teknikal na serbisyo sa imprastraktura, pagsusuri kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo, pagsukat ng bisa ng mga ad at serbisyo, pagbibigay ng serbisyo sa customer, pamamahala sa mga pagbabayad, o pagsasagawa ng akademikong pananaliksik at mga survey. Ang mga kasosyong ito ay dapat sumunod sa mga mahigpit na kompidensyal na obligasyon sa paraan na naaalinsunod sa Patakaran ng Data na ito at sa mga pinapasukan naming kasunduan sa kanila. Paano ko mapapamahalaan o matatanggap ang impormasyong tungkol sa akin?
Maaari mong pamahalaan ang nilalaman at impormasyon na ibinabahagi mo kapag ginagamit mo ang Facebook sa pamamagitan ng tool na Log ng Aktibidad. Maaari mo ring i-download ang impormasyong nauugnay sa iyong Facebook account sa pamamagitan ng aming tool na I-download ang Iyong Impormasyon.Ini-store namin ang data hanggang kinakailangan upang magbigay ng mga produkto at serbisyo sa iyo at sa iba kasama ang mga inilarawan sa itaas. Ang impormasyong nauugnay sa iyong account ay pananatilihin hanggang tanggalin ang iyong account, maliban kung hindi na namin kailangan ang data upang magbigay ng mga produkto at serbisyo.
Maaari mong tanggalin ang iyong account anumang oras. Kapag tinanggal mo ang iyong account, tinatanggal namin ang mga na-post mong bagay, tulad ng iyong mga litrato at mga update sa status. Kung ayaw mong tanggalin ang iyong account, ngunit gusto mong pansamantalang tumigil sa paggamit ng Facebook, maaari mong i-deactivate ang iyong account sa halip. Para malaman pa ang tungkol sa pag-deactivate o pag-delete ng iyong account, i-click dito. Tandaan na ang impormasyong tungkol sa iyo na ibinahagi ng iba ay hindi bahagi ng iyong account at hindi tatanggalin kapag tinanggal mo ang iyong account.
Paano namin tinutugunan ang mga legal na kahilingan o iniiwasan ang pinsala?
Maaari namin i-access, panatilihin at ibahagi ang iyong impormasyon bilang pagtugon sa isang kahilingan ng batas (katulad ng isang search warrant, kautusan ng hukuman o subpena) kung may paniniwala kami na may mabuting hangarin na hinihiling ng batas na gawin namin ito. Maaaring kasama dito ang pagtugon sa mga kahilingan ng batas mula mga hurisdiksyon na nasa labas ng United States kung saan mayroon kaming paniniwala na may mabuting hangarin na ang pagtugon ay hinihiling ng batas sa hurisdiksyon na iyon, ay nakakaapekto sa hurisdiksyon na iyon, at naaalinsunod sa mga pamantayan na kinikilala sa buong daigdig. Maaari rin namin i-access, panatilihin, at ibahagi ang impormasyon kapag naniniwala kami nang may mabuting hangarin na ito ay kinakailangan upang: matuklasan, iwasan at tugunan ang pandaraya at iba pang aktibidad na labag sa batas; protektahan ang aming mga sarili; ikaw at ang iba, kasama ang bilang bahagi ng mga imbestigasyon; o iwasan ang kamatayan o napipintong pinsala sa tao. Halimbawa, maaari kaming magbigay ng impormasyon sa mga ikatlong partidong kasosyo tungkol sa pagkamaaasahan ng iyong account upang iwasan ang pandaraya at pag-abuso sa at sa labas ng aming Mga Serbisyo. Ang natatanggap naming impormasyon tungkol sa iyo, kasama ang data ng pinansyal na transaksiyon kaugnay sa mga ginawang pagbili sa Facebook ay maaaring ma-access, iproseso, at panatilihin sa loob ng isang mas mahabang panahon kapag ito ang paksa ng isang legal na kahilingan o obligasyon ng batas, imbestigasyon ng pamahalaan, o mga imbestigasyon hinggil sa mga posibleng paglabag sa aming mga tuntunin o patakaran, o dili kaya'y upang iwasan ang pinsala. Maaari rin namin panatilihin ang impormasyong tungkol sa mga na-disable na account nang hindi bababa sa isang taon dahil sa mga paglabag ng aming mga tuntunin upang iwasan ang paulit-ulit na pag-abuso o ibang mga paglabag ng aming mga tuntunin.Paano pinapatakbo ang aming mga serbisyo sa buong mundo
Maaaring magbahagi ng impormasyon ang Facebook sa loob ng aming pamilya ng mga kumpanya o sa mga ikatlong partido para sa mga layuning inilarawan sa patakaran na ito. Ang mga impormasyong kinokolekta sa loob ng European Economic Area (“EEA”) ay, halimbawa, maaaring ilipat sa mga bansang nasa labas ng EEA para sa mga layuning inilarawan sa patakarang ito. Gumagamit kami ng mga karaniwang kondisyon sa kontrata na inaprubahan ng European Commission, ginamit ang iba pang mga paraan sa ilalim ng batas ng European Union, at kumuha ng pahintulot mo para gawing lehitimo ang mga paglilipat ng data mula sa EEA papunta sa United States at ibang bansa.Maaari kang makipag-ugnayan sa amin gamit ang ibinigay na impormasyon sa ibaba para sa mga tanong o alalahanin. Maaari rin naming lutasin ang mga hindi pagkakasundo na mayroon ka sa amin nang may kaugnayan sa aming mga patakaran at mga kasanayan sa pagkapribado sa pamamagitan ng TRUSTe. Maaari kang makipag-ugnayan sa TRUSTe sa pamamagitan ng kanilang website.
Paano ka namin aabisuhan sa mga pagbabago ng patakaran na ito?
Aabisuhan ka namin bago kami gumawa ng anumang mga pagbabago sa patakaran na ito at bibigyan ka ng pagkakataong masuri at mag-comment sa mga binagong tuntunin bago patuloy na gamitin ang aming Mga Serbisyo.Paano makikipag-ugnayan sa Facebook para sa mga tanong
Para alamin pa kung paano gumagana ang pagkapribado sa Facebook, mangyaring tingnan ang Mga Mahalaga sa Pagkapribado. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa patakaran na ito, narito kung paano ka makikipag-ugnayan sa amin:Kung nakatira ka sa US o Canada…
Mangyaring makipag-ugnayan sa Facebook, Inc. online o sa sulat sa:
Facebook, Inc.
1601 Willow Road
Menlo Park, CA 94025
1601 Willow Road
Menlo Park, CA 94025
Kung nakatira ka sa ibang lugar…
Ang tagakontrol ng data na responsable sa iyong impormasyon ay ang Facebook Ireland Ltd., na maaari mong makontak online o sa sulat sa:
Facebook Ireland Ltd.
4 Grand Canal Square
Grand Canal Harbour
Dublin 2 Ireland
4 Grand Canal Square
Grand Canal Harbour
Dublin 2 Ireland
Petsa ng Huling Pagbabago: Setyembre 29, 2016