Isinulat ang kasunduang ito sa Ingles (US). Sa lawak na ang anuman sa isinalin na bersyon ng kasunduan na ito ay sasalungat sa Ingles na bersyon, mangingibabaw ang Ingles na bersyon.  Mangyaring tandaan na naglalaman ang Seksyon 16 ng ilang mga pagbabago sa mga pangkalahatang salita para sa mga user na wala sa United States.
Petsa ng Huling Pagbabago: Enero 30, 2015
Impressum
The websites under www.facebook.com and the services on these page are being offered to you by:
Facebook Ireland Limited, 4 Grand Canal Square, Dublin 2, Ireland

Board of directors: Gareth Lambe, Shane Crehan
Registered in Ireland (Companies Registration Office)
Company No. 462932

For help or information about how to make a report:
To contact us by email:


Pahayag ng Mga Karapatan at Pananagutan (Statement of Rights and Responsibilites)
Ang Pahayag ng Mga Karapatan at Pananagutan na ito ("Pahayag," "Mga Tuntunin," o "SRR") na hinago mula sa Mga Prinsipyo ng Facebook, at ang aming mga tuntunin ng serbisyo na namamahala ng aming kaugnayan sa mga user at iba pang nakikipag-ugnayan sa Facebook, pati rin sa mga brand, produkto at mga serbisyo ng Facebook, na tinatawag naming “Mga Serbisyo ng Facebook” o “Mga Serbisyo”. Sa paggamit o pag-access sa Mga Serbisyo ng Facebook, sumasang-ayon ka sa Pahayag na ito, na ina-update paminsan-minsan alinsunod sa Seksyon 13 na nasa ibaba. Dagdag pa rito, makakakita ka ng mga mapagkukunan sa dulo ng dokumentong ito na tutulong sa iyong maintindihan kung paano gumagana ang Facebook.
At dahil nagbibigay ang Facebook ng malawak na hanay ng Mga Serbisyo, maaari naming hilingin sa iyong suriin at tanggapin ang mga karagdagang tuntunin na naaangkop sa iyong pakikipag-ugnayan sa isang partikular na app, produkto, o serbisyo. Sa lawak na sasalungat ang mga karagdagang tuntunin na iyon sa SRR na ito, ang mga karagdagang tuntunin na nauugnay sa app, produkto, o serbisyo ang mamamahala kaugnay sa iyong paggamit sa nasabing app, produkto o serbisyo sa lawak ng salungatan.
  1. Privacy

    Napakahalaga ng iyong privacy sa amin. Ginawa namin ang aming Patakaran ng Data upang gumawa ng mga mahalagang pagsisiwalat tungkol sa kung paano mo magagamit ang Facebook para magbahagi sa iba at kung paano namin kinokolekta at maaaring gamitin ang iyong nilalaman at impormasyon. Hinihikayat ka naming basahin ang Patakaran ng Data, at gamitin ito para tulungan kang gumawa ng mga may kaalamang pagpapasya.
     
  2. Pagbabahagi ng Iyong Nilalaman at Impormasyon

    Ikaw ang may-ari ng lahat ng nilalaman at impormasyon na pino-post mo sa Facebook, at makokontrol mo kung paano ito ibinabahagi sa pamamagitan ng iyong mga setting ng privacy at application. Bilang karagdagan:
    1. Para sa nilalamang sakop ng mga karapatan sa intellectual property, tulad ng mga litrato at video (IP content), partikular mo kaming binibigyan ng sumusunod na pahintulot, na sasailalim sa iyong privacy at mga setting ng application: binibigyan mo kami ng hindi eksklusibo, naililipat, maaaring ilipat ang lisensya, hindi kailangang magbayad ng royalty, at pandaigdigang lisensya para gamitin ang anumang nilalaman ng IP na ipo-post mo sa o na may kaugnayan sa Facebook (Lisensya ng IP). Matatapos ang Lisensya ng IP na ito kapag tinanggal mo ang nilalaman ng iyong IP o ang iyong account maliban kung ibinahagi ang iyong nilalaman sa iba, at hindi nila ito tinanggal.
    2. Kapag tinanggal mo ang nilalaman ng IP, tatanggalin ito sa parehong paraan ng pag-alis ng laman sa recycle bin sa isang computer. Gayunpaman, naiintindihan mo na maaari pa rin manatili ang inalis na nilalaman sa mga backup na kopya para sa isang makatwirang panahon (pero hindi ito makukuha ng iba).
    3. Kapag gumamit ka ng isang application, maaaring humingi ng pahintulot mo ang application para ma-access ang iyong nilalaman at impormasyon pati rin ang nilalaman at impormasyon na ibinahagi sa iyo ng iba.  Hinihiling namin sa mga application na igalang ang iyong privacy, at ang iyong pagsang-ayon sa application na iyon ang siyang magkokontrol kung paano maaaring gamitin, i-store, at ilipat ang nilalaman at impormasyon na iyon.  (Para malaman pa ang tungkol sa Platform, kasama kung paano mo makokontrol kung anong impormasyon ang maaaring ibahagi ng ibang tao sa mga application, basahin ang aming Patakaran sa Privacy at Page ng Platform.)
    4. Kapag nagpa-publish ka ng nilalaman o impormasyon gamit ang setting na Pampubliko, ang ibig sabihin nito pinapayagan mo ang lahat, kasama ang mga taong wala sa Facebook, na ma-access at gamitin ang impormasyon na iyon, at iugnay ito sa iyo (hal., ang iyong pangalan at litrato sa profile).
    5. Palagi naming pinahahalagahan ang iyong feedback o ibang mga mungkahi tungkol sa Facebook, ngunit naiintindihan mo na maaari naming gamitin ang iyong feedback o mga mungkahi nang walang anumang obligasyon na bayaran ka para sa mga ito (katulad ng wala kang obligasyon na ialok ang mga ito).
       
  3. Kaligtasan

    Ginagawa namin ang aming makakaya upang panatilihing ligtas ang Facebook, ngunit hindi namin ito ginagarantiya. Kailangan namin ang tulong mo upang panatilihing ligtas ang Facebook, kasama ang mga sumusunod na pangako mula sa iyo:
    1. Hindi ka magpo-post ng mga pangkomersyal na pakikipag-ugnayan na walang pahintulot (tulad ng spam) sa Facebook.
    2. Hindi mo kukunin ang nilalaman o impormasyon ng mga user, o dili kaya'y ia-access ang Facebook, gamit ang mga awtomatikong paraan (tulad ng mga harvesting bot, mga robot, spider, o mga scraper) nang walang pahintulot mula sa amin.
    3. Hindi ka sasali sa labag sa batas na multi-level na marketing, tulad ng pyramid scheme, sa Facebook.
    4. Hindi ka mag-a-upload ng mga virus o ibang nakakasirang code.
    5. Hindi ka manghihingi o kukuha ng impormasyon sa pag-log in o ia-access ang isang account na pagmamay-ari ng iba.
    6. Hindi mo aapihin, tatakutin, o guguluhin ang sinumang user.
    7. Hindi ka magpo-post ng nilalaman na: pang-iinsulto, pagbabanta, o pornograpiya; nanghihikayat ng karahasan; o naglalaman ng paghuhubad o nagpapakita ng at walang batayan na karahasan;
    8. Hindi ka bubuo o magpapatakbo ng application ng ikatlong partido na naglalaman ng may kaugnayan sa alak, pakikipag-date o ibang nilalaman na para lang sa nasa hustong gulang (kasama ang mga patalastas) nang walang naaangkop na mga paghihigpit sa edad.
    9. Hindi mo gagamitin ang Facebook para gumawa ng anumang bagay na labag sa batas, nakakapanlinlang, may masamang hangarin, o nandidiskrimina.
    10. Hindi ka gagawa ng anumang bagay na maaaring mag-disable, magpahirap, o magpahina sa wastong paggana o hitsura ng Facebook, tulad ng pag-atake para hindi magamit ang mga serbisyo o paghadlang sa pagre-render ng pahina o ibang paggana ng Facebook.
    11. Hindi mo padadaliin o hihikayatin ang anumang mga paglabag sa Pahayag na ito o sa aming mga patakaran.
       
  4. Pagre-register at Seguridad ng Account

    Ibinibigay ng mga user ng Facebook ang kanilang mga tunay na pangalan at impormasyon, at kailangan namin ang tulong mo upang panatilihin ito sa ganitong paraan. Narito ang ilan sa mga pangako na gagawin mo sa amin kaugnay sa pagprerehistro at pagpapanatili ng seguridad ng iyong account:
    1. Hindi ka magbibigay sa Facebook ng anumang maling personal na impormasyon, o gagawa ng isang account para sa iba maliban sa sarili mo nang walang pahintulot.
    2. Hindi ka gagawa ng mahigit sa isang personal na account.
    3. Kung idi-disable namin ang account mo, hindi ka gagawa ng isa pang account nang walang pahintulot mula sa amin.
    4. Hindi mo gagamitin ang iyong personal na timeline na pangunahing para sa sarili mong pangkomersyal na pakinabang, at gagamitin ang Pahina ng Facebook para sa mga ganoong layunin.
    5. Hindi mo gagamitin ang Facebook kung ikaw ay wala pang 13.
    6. Hindi mo gagamitin ang Facebook kung ikaw ay isang napatunayang sex offender.
    7. Pananatilihin mong wasto at napapanahon ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
    8. Hindi mo ibabahagi ang iyong password (o sa kaso ng mga developer, ang iyong lihim na key), hayaan ang ibang tao na ma-access ang iyong account, o gumawa ng ibang bagay na maaaring maglagay sa panganib sa seguridad ng iyong account.
    9. Hindi mo ililipat ang iyong account (kasama ang anumang Pahina o application na pinamamahalaan mo) sa sinuman nang hindi muna humihingi sa amin ng nakasulat na pahintulot.
    10. Kung pipili ka ng isang username o katulad na identifier para sa iyong account o Pahina, may karapatan kaming alisin o bawiin ito kung naniniwala kami na ito ay naaangkop (tulad ng kung magrereklamo ang isang may-ari ng trademark tungkol sa isang username na hindi malapit na nauugnay sa aktwal na pangalan ng user).
       
  5. Pagprotekta sa Mga Karapatan ng Ibang Tao

    Iginagalang namin ang mga karapatan ng ibang tao, at inaasahan rin namin ito sa iyo.
    1. Hindi ka magpo-post ng nilalaman o gagawa ng anumang aksyon sa Facebook na manghihimasok o lalabag sa mga karapatan ng ibang tao o kaya ay lalabag sa batas.
    2. Maaari naming alisin ang anumang nilalaman o impormasyon na ipo-post mo sa Facebook kung naniniwala kaming nilalabag nito ang Pahayag na ito o ang aming mga patakaran.
    3. Binibigyan ka namin ng mga gamit upang tulungan kang protektahan ang iyong mga karapatan sa intellectual property. Upang malaman pa, bisitahin ang aming pahina na Paano Mag-uulat ng Mga Pag-aakusa ng Paglabag sa Intellectual Property.
    4. Kung aalisin namin ang iyong nilalaman para sa paglabag ng copyright ng ibang tao, at naniniwala ka na nagkamali kami sa pag-alis nito, bibigyan ka namin ng pagkakataong umapela.
    5. Kung paulit-ulit mong lalabagin ang mga karapatan ng ibang tao sa intellectual property, idi-disable namin ang iyong account kapag naaangkop.
    6. Hindi mo gagamitin ang aming mga copyright o mga Trademark o anumang mga nakakalitong katulad na marka, maliban kung tasahang pinahihintulutan ng aming Mga Alituntunin sa Paggamit ng Tatak o kung mayroong paunang nakasulat na pahintulot mula sa amin.
    7. Kung mangongolekta ka ng impormasyon sa mga user, ikaw ay: hihingi ng kanilang pahintulot, lilinawin mo na ikaw (hindi ang Facebook) ang nangongolekta ng kanilang impormasyon, at magpo-post ng patakaran sa privacy na nagpapaliwanag kung anong impormasyon ang kinokolekta mo at kung paano mo ito gagamitin.
    8. Hindi ka magpo-post ng mga dokumentong kumikilala sa isang tao o ng sensitibong pinansyal na impormasyon sa Facebook.
    9. Hindi mo ita-tag ang mga user o magpapadala ng mga imbitasyon sa email sa mga hindi user nang walang pahintulot nila. Ang Facebook ay nag-aalok ng mga social tool sa pagre-report upang pahintulutan ang mga user na magbigay ng feedback tungkol sa pag-tag.
       
  6. Cellphone at Iba pang Device

    1. Sa kasalukuyan ibinibigay namin ang aming mga serbisyo sa cellphone nang libre, ngunit mangyaring malaman na ilalapat pa rin ang mga normal na singil at bayad ng iyong carrier, tulad ng text messaging at mga singil sa data.
    2. Sa pangyayaring babaguhin o ide-deactivate mo ang numero ng iyong cellphone, ia-update mo ang impormasyon ng iyong account sa Facebook sa loob ng 48 oras upang matiyak na hindi ipapadala ang iyong mga mensahe sa taong nakakuha ng luma mong numero.
    3. Magbibigay ka ng pahintulot at lahat ng kinakailangang karapatan para magawang ma-sync ng mga user (kasama ang sa pamamagitan ng isang application) ang kanilang mga device sa anumang impormasyon na makikita nila sa Facebook.
       
  7. Mga Pagbabayad

    Kung magbabayad ka sa Facebook, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Pagbabayad maliban kung sinasabing may ibang mga tuntuning gagamitin.
     
  8. Mga Espesyal na Probisyon na Naaangkop sa Mga Developer/Operator ng Mga Application at Mga Website

    Kung isa kang developer o operator ng isang application o website ng Platform, o kung gumagamit ka ng mga Social Plugin, kailangan mong sumunod sa Patakaran ng Platform ng Facebook.
  9. Tungkol sa Mga Advertisement at Iba pang Pangkomersyal na Nilalaman na Ipinapakita o Pinagaganda ng Facebook

    Ang layunin namin ay magpakita ng mga pag-a-advertise at iba pang pangkomersyal o may sponsor na nilalaman na mahalaga sa aming mga user at mga advertiser. Upang matulungan kaming magawa iyon, sasang-ayon ka sa mga sumusunod:
    1. Bibigyan mo kami ng pahintulot na gamitin ang iyong pangalan, larawan sa profile, nilalaman, at impormasyon na may kaugnayan sa pangkomersyal, may sponsor, o kaugnay na nilalaman (tulad ng gusto mong tatak) na hinahatid o pinapahusay namin. Ang ibig sabihin nito, halimbawa, na pinahihintulutan mo ang isang negosyo o ibang kumpanya na bayaran kami upang ipakita ang iyong pangalan at/o litrato sa profile kasama ng iyong nilalaman o impormasyon, nang walang anumang babayaran sa iyo. Kung pumili ka ng partikular na makakakita para sa iyong nilalaman o impormasyon, igagalang namin ang iyong pipiliin kapag ginamit mo ito.
    2. Hindi namin ibibigay ang iyong nilalaman o impormasyon sa mga advertiser nang walang pahintulot mo.
    3. Naiintindihan mo na hindi namin palaging matutukoy ang mga may bayad na serbisyo at pakikipag-ugnayan na katulad nito.
       
  10. Mga Espesyal na Probisyon na Naaangkop sa Mga Advertiser

    Kung gagamitin mo ang aming mga interface sa paggawa ng self-service na pag-a-advertise para sa paggawa, pag-submit at/o pagpapakita ng anumang pag-a-advertise o iba pang pangkomersyal o may sponsor na aktibidad o nilalaman (magkakasama, “Mga Self-Serve Ad Interface”), sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Self-Serve Ad. Dagdag pa rito, ang iyong pag-a-advertise o ibang pangkomersyal o may sponsor na aktibidad o nilalaman na inilalagay sa Facebook o ng aming publisher network ay susunod sa aming Mga Alituntunin sa Pag-a-advertise.
  11. Mga Espesyal na Probisyon na Naaangkop sa Mga Page

    Kung gagawa o mamamahala ka ng Page sa Facebook, o magpapatakbo ng promotion o offer mula sa iyong Page, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Mga Page.
     
  12. Mga Espesyal na Probisyon na Naaangkop sa Software

    1. Kung ida-download o gagamitin mo ang aming software, tulad ng stand-alone na software na produkto, isang app, o isang plugin ng browser, sumasang-ayon ka na paminsan-minsan, maaaring mag-download at mag-install ang software ng mga upgrade, update at mga karagdagang tampok mula sa amin upang pahusayin, pagandahin, at higit pang pagandahin ang software.
    2. Hindi mo babaguhin, gagawa ng mga hinalaw na gawa, ide-decompile, o dili kaya'y susubukang kunin ang source code mula sa amin, maliban kung tahasan kang pinahihintulutang gawin ito sa ilalim ng isang open source na lisensya, o kung bibigyan ka namin ng tahasan at nakasulat na pahintulot.

  13. Mga Pagbabago

    1. Aabisuhan ka namin bago kami gumawa ng anumang mga pagbabago sa mga tuntunin na ito at bibigyan ka ng pagkakataong masuri at magkomento sa mga binagong tuntunin bago patuloy na gamitin ang aming Mga Serbisyo.
    2. Kung gagawa kami ng mga pagbabago sa mga patakaran, alituntunin o ibang mga tuntunin na tinukoy sa o na kasama sa Pahayag na ito, maaari kaming magbigay ng abiso sa Pahina ng Pamamahala sa Site.
    3. Ang patuloy mong paggamit sa Mga Serbisyo ng Facebook, kasunod ng abiso tungkol sa mga pagbabago sa aming mga tuntunin, patakaran o mga alituntunin, ay bubuo sa iyong pagtanggap sa aming mga binagong tuntunin, patakaran o mga alituntunin.
       
  14. Pagwawakas

    Kung lalabagin mo ang sulat o diwa ng Pahayag na ito, o kaya ay gagawa ng panganib o posibleng panganib ng pagharap sa isang habla sa amin, maaari naming itigil na ibigay ang lahat o bahagi ng Facebook sa iyo. Aabisuhan ka namin sa email o sa susunod na susubukan mong i-access ang iyong account. Maaari mo rin tanggalin ang iyong account o i-disable ang iyong application anumang oras. Sa lahat ng pangyayaring ito, wawakasan ang Pahayag na ito, ngunit ilalapat pa rin ang mga sumusunod na probisyon: 2.2, 2.4, 3-5, 9.3, at 14-18.
     
  15. Mga Hindi Pagkakasundo

    1. Aayusin mo lang ang anumang paghahabol, paghahabla o hindi pagkakasundo (paghahabol) na mayroon ka sa amin na magreresulta sa o may kaugnayan sa Pahayag na ito o sa Facebook sa U.S. District Court for the Northern District of California o isang hukuman ng estado na matatagpuan sa San Mateo County, at sumasang-ayon kang sumuko sa personal na hurisdiksyon ng mga nasabing hukuman para sa layunin ng paglilitis ng lahat ng nasabing paghahabol. Pamamahalaan ng mga batas ng Estado ng California ang Pahayag na ito, gayundin ang anumang paghahabla na maaaring magresulta sa pagitan mo at namin, nang hindi isasaalang-alang ang pagkakasalungat ng mga probisyon ng batas.
    2. Kung mayroong sinumang maghahabla laban sa amin kaugnay sa iyong mga aksyon, nilalaman o impormasyon sa Facebook, magbabayad-pinsala ka sa amin at hindi kami pananagutin sa at laban sa lahat ng pinsala, pagkalugi, at anumang uri ng mga gastos (kasama ang mga makatwirang bayad at mga gastos sa abugado) kaugnay sa nasabing paghahabla. Bagaman kami ang nagbibigay ng mga patakaran para sa asal ng user, hindi namin kinokontrol o pinamamahalaan ang mga aksyon ng mga user sa Facebook at hindi kami responsable sa nilalaman o impormasyon na ipinapadala o ibinabahagi ng mga user sa Facebook. Hindi kami responsable para sa anumang nakakasakit, hindi naaangkop, malaswa, labag sa batas o dili kaya'y hindi kanais-nais na nilalaman o impormasyon na maaari mong makaharap sa Facebook. Hindi kami responsable sa asal, online man o offline, ng sinumang user ng Facebook.
    3. SINUSUBUKAN NAMING PANATILIHING GUMAGANA, WALANG BUG, AT LIGTAS ANG FACEBOOK, NGUNIT GINAGAMIT MO ITO SA SARILI MONG PANGANIB. IBINIBIGAY NAMIN ANG FACEBOOK NANG AS IS AT NANG WALANG ANUMANG TAHASAN O HINDI TAHASANG MGA GARANTIYA KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, HINDI TAHASANG MGA GARANTIYA SA KAANGKUPANG MAIPAGBILI, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, AT WALANG LALABAGIN. HINDI NAMIN GINAGARANTIYA NA PALAGING LIGTAS O WALANG MALI ANG FACEBOOK O NA PALAGING GAGANA ANG FACEBOOK NANG WALANG PAGKAPUTOL, ANTALA O MGA SIRA. HINDI RESPONSABLE ANG FACEBOOK PARA SA MGA AKSYON, NILALAMAN, IMPORMASYON, O DATA NG MGA IKATLONG PARTIDO, AT PINAPALAYA MO KAMI, ANG AMING MGA DIREKTOR, OPISYAL, EMPLEYADO, AT MGA KINATAWAN MULA SA ANUMANG MGA PAGHAHABOL AT PINSALA, BATID AT HINDI BATID, NA MAGRERESULTA SA O SA ANUMANG PARAAN AY MAY KAUGNAYAN SA ANUMANG PAGHAHABLA NA MAYROON KA LABAN SA SINUMANG MGA IKATLONG PARTIDO. KUNG ISA KANG RESIDENTE NG CALIFORNIA, TINATALIKDAN MO ANG KODIGO SIBIL §1542, NA NAGSASABING: ANG ISANG PANGKALAHATANG PAGPAPALAYA AY HINDI SINASAKLAW ANG MGA PAGHAHABOL NA HINDI BATID NG PINAGKAKAUTANGAN O PINAGHIHINALAAN NA MAYROON SA KANYANG KAPAKINABANGAN SA ORAS NG PAGPAPATUPAD SA PAGPAPALAYA, NA KUNG BATID NIYA NA MAKAAPEKTO SA MATERYAL NG KANYANG PAKIKPAG-AYOS SA MAY UTANG. HINDI KAMI MANANAGOT SA IYO PARA SA ANUMANG MGA KITA O IBANG MAGRERESULTA, ESPESYAL, HINDI DIREKTA, O HINDI SINASADYANG MGA PINSALA NA MAGRERESULTA SA O MAY KAUGNAYAN SA PAHAYAG NA ITO O SA FACEBOOK, KAHIT NA PINAYUHAN KAMI SA POSIBILIDAD NG MGA NASABING PINSALA. ANG AMING PINAGSAMANG PANANAGUTAN NA MAGRERESULTA SA PAHAYAG NA ITO O SA FACEBOOK AY HINDI LALAMPAS NANG MAHIGIT SA ISANG DAANG DOLYARES ($100) O SA HALAGANG BINAYARAN MO SA AMIN SA NAKARAANG LABINDALAWANG BUWAN. HINDI PAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS ANG LIMITASYON O HINDI PAGSASAMA SA PANANAGUTAN O HINDI SINASADYA O MAGRERESULTANG MGA PINSALA, KAYA ANG LIMITASYON O HINDI PAGSASAMA NA NASA ITAAS AY MAAARING HINDI NAAANGKOP SA IYO. SA MGA GANITONG PANGYAYARI, MAGIGING LIMITADO ANG PANANAGUTAN NG FACEBOOK SA PINAKAMALAWAK NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS.
       
  16. Mga Espesyal na Probisyon na Naaangkop sa Mga User na Wala sa United States

    Nagsisikap kaming gumawa ng isang pandaigdigang komunidad na may hindi nagbabagong mga pamantayan para sa lahat, pero nagsusumikap din kaming sundin ang mga lokal na batas. Ang mga sumusunod na probisyon ay naaangkop sa mga user at hindi user na nakikipag-ugnayan sa Facebook sa labas ng United States:
    1. Binibigyan mo ng pahintulot na ilipat at iproseso ang iyong personal na data sa United States.
    2. Kung ikaw ay nasa isang bansang ipinagbabawal ng United States, o nasa listahan ng Kagawaran ng Pananalapi ng U.S. para sa Mga Espesyal na Itinalagang Mamamayan, hindi ka sasali sa mga pangkomersyal na aktibidad sa Facebook (tulad ng pag-a-advertise o mga pagbabayad) o magpapatakbo ng isang Platform application o website. Hindi mo gagamitin ang Facebook kung ikaw ay pinagbabawalang makatanggap ng mga produkto, serbisyo, o software na nanggagaling sa United States.
    3. Ang ilan sa mga partikular na tuntunin na naaangkop lamang sa mga German user ay makikita dito.
  17. Mga Kahulugan

    1. Sa "Facebook" o "Mga Serbisyo ng Facebook" ang ibig naming sabihin ay mga tampok at mga serbisyo na ginagawa naming available, kasama ang sa pamamagitan ng (a) aming website sa www.facebook.com at anumang ibang mga website na may tatak o kasama ang tatak ng Facebook (kasama ang mga sub-domain, mga internasyonal na bersyon, mga widget, at mga mobile na beryson); (b) aming Platform; (c) mga social plugin tulad ng button para Paggusto, ang button sa Pagbabahagi at iba pang mga katulad na handog; at (d) ibang media, mga tatak, mga produkto, serbisyo, software (tulad ng toolbar), mga device, o mga network na umiiral ngayon o na bubuin sa kalaunan. May karapatan ang Facebook na italaga, sa natatangi nitong diskresyon, na ang ilan sa aming mga tatak, produkto o mga serbisyo ay pinamamahalan ng mga magkakahiwalay na tuntunin at hindi ng SRR na ito.
    2. Sa "Platform" ang ibig naming sabihin ay isang pangkat ng mga API at mga serbisyo (tulad ng nilalaman) na nagpapahintulot sa iba, kasama ang mga developer ng application at mga operator ng website na makuha muli ang data mula sa Facebook o magbigay ng data sa amin.
    3. Sa "impormasyon" ang ibig naming sabihin ay mga katunayan at ibang impormasyon tungkol sa iyo kasama ang mga ginawang aksyon ng mga user at hindi user na nakikipag-ugnayan sa Facebook.
    4. Sa "nilalaman" ang ibig naming sabihin ay anumang bagay na ipino-post, ibinibigay o ibinabahagi mo o ng ibang mga user gamit ang Mga Serbisyo ng Facebook.
    5. Sa "data" o "data ng user" ang ibig naming sabihin ay anumang data, kasama ang nilalaman o impormasyon ng user na maaari mong makuha muli o ng mga ikatlong partido mula sa Facebook o ibigay sa Facebook sa pamamagitan ng Platform.
    6. Sa "post" ang ibig naming sabihin ay post sa Facebook o dili kaya'y ginagawang available gamit ang Facebook.
    7. Sa "paggamit" ang ibig naming sabihin ay paggamit, pagpapatakbo, pagkopya, pagganap o pagpapakita sa publiko, pamamahagi, pagbabago, pagsasalin, at paggawa ng mga hinangong gawa.
    8. Sa "application" ang ibig naming sabihin ay anumang application o website na gumagamit o nakaka-access sa Platform, pati rin ang anumang iba pang nakakatanggap o nakatanggap ng data mula sa amin.  Kung hindi mo na ina-access ang Platform ngunit hindi pa tinanggal ang lahat ng data mula sa amin, gagamitin ang salitang application hanggang tanggalin mo ang data.
    9. Sa “Mga trademark” ang ibig naming sabihin ay listahan ng mga trademark na ibinigay dito.
       
  18. Iba pa

    1. Kung ikaw ay residente ng o ang pangunahing lugar ng negosyo mo ay nasa US o Canada, ang Pahayag na ito ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng Facebook, Inc.  Kung hindi, ang Pahayag na ito ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng Facebook Ireland Limited.  Ang pagtukoy sa “amin,” “kami,” and “namin” ay nangangahulugan sa alinman sa Facebook, Inc. o Facebook Ireland Limited, ayon sa naaangkop.
    2. Ang Pahayag na ito ay bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan ng mga partido hinggil sa Facebook, at pumapalit sa anumang mga naunang kasunduan.
    3. Kung ang alinman sa bahagi ng Pahayag na ito ay malalamang hindi maaaring ipatupad, ang natitirang bahagi ay mananatiling may ganap na bisa.
    4. Kung hindi namin mapapatupad ang alinman sa Pahayag na ito, hindi ito ituturing na waiver.
    5. Anumang pagbabago o waiver sa Pahayag na ito ay dapat nakasulat at pinirmahan namin.
    6. Hindi mo ililipat ang alinman sa iyong mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Pahayag na ito sa sinuman na wala kaming pahintulot.
    7. Ang lahat ng aming karapatan at obligasyon sa ilalim ng Pahayag na ito ay malayang maitatalaga sa amin kaugnay sa isang pagsasama, pagkuha, o pagbebenta ng mga asset, o sa pamamagitan ng mga umiiral na batas o iba pa.
    8. Wala sa Pahayag na ito ang dapat pumigil sa atin na sundin ang batas.
    9. Ang Pahayag na ito ay hindi nagkakaloob ng anumang mga karapatan ng ikatlong partidong benepisyaryo.
    10. May karapatan kami sa lahat ng karapatan na hindi ipinagkaloob sa iyo.
    11. Susunod ka sa lahat ng naaangkop na batas kapag ginagamit o ina-access ang Facebook.

Sa pamamagitan ng paggamit o pag-access ng Mga Serbisyo ng Facebook, sumasang-ayon ka na maaari naming kunin at gamitin ang nasabing nilalaman at impormasyon alinsunod sa Patakaran ng Data na binabago paminsan-minsan. Maaaring gustuhin mo ring suriin ang mga sumusunod na dokumento, na nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng Facebook:
  • Mga Tuntunin sa Pagbabayad: Ang mga karagdagang tuntunin na ito ay naaangkop sa lahat ng pagbabayad na ginawa sa o sa pamamagitan ng Facebook, maliban kung sinabing may gagamiting ibang mga tuntunin.
  • Page ng Platform: Tinutulungan ka ng pahinang ito na mas maintindihan kung ano ang mangyayari kapag magdadagdag ka ng ikatlong partidong application o gagamit ng Facebook Connect, kasama ang kung paano nila maaaring ma-access at magamit ang iyong data.
  • Mga Patakaran ng Facebook Platform: Ibinabalangkas ng mga alituntuning ito ang mga patakaran na naaangkop sa mga application, kasama ang mga site ng Connect.
  • Mga Patakaran ng Pag-a-advertise: Ibinabalangkas ng mga alituntuning ito ang mga patakaran na naaangkop sa mga ad na inilalagay sa Facebook.
  • Mga Tuntunin ng Self-Serve Ad: Ginagamit ang mga tuntuning ito kapag ginagamit mo ang Mga Interface ng Self-Serve Ad para gumawa, mag-submit, o magpadala ng anumang pag-a-advertise o ibang pangkomersyal o may sponsor na aktibidad o nilalaman.
  • Mga Alituntunin sa Promotion: Ibinabalangkas ng mga alituntuning ito ang mga patakaran na naaangkop kung nag-aalok ka ng mga paligsahan, sweepstake, at ibang mga uri ng mga promo sa Facebook.
  • Mga Mapagkukunan ng Facebook Brand: Ibinabalangkas ng mga alituntuning ito ang mga patakaran na naaangkop sa paggamit ng mga trademark, logo at mga screenshot ng Facebook.
  • Mga Tuntunin ng Mga Page: Ang mga alituntunin na ito ay naaangkop sa paggamit mo ng Mga Facebook Page.
  • Mga Pamantayan ng Komunidad: Ibinabalangkas ng mga alituntuning ito ang aming mga inaasahan hinggil sa nilalaman na ipino-post mo sa Facebook at sa iyong aktibidad sa Facebook.

Para ma-access ang Pahayag ng Mga Karapatan at Pananagutan sa iba't-ibang wika, baguhin ang setting ng wika para sa iyong sesyon sa Facebook sa pamamagitan ng pag-click sa link ng wika sa kaliwang sulok ng karamihan sa mga pahina.  Kung hindi available ang Pahayag sa pipiliin mong wika, Ingles na bersyon ang gagawin naming default.